kakashi's clock - so he won't be late to his next mission

Sunday, June 28, 2009

MY FIRST COSPLAY REVIEW

(12:30 pm, May 09, 2009…. Nakarating din sa wakas ng SM north edsa annex)




<…..-sa cellphone-…..>





AKO: xai? San kna? D2 na me. Di ko lam kung sang floor yung event?


XAI: W8 lng. Kumakain pa kmi dito sa kabilang mall. Di ko din alam kung san eh.


AKO: Geh. W8 nlng kita. Libot muna ko.



Habang ako’y naglilibot. May nakita akong grupo ng mga babae na naka-school uniform. But not an ordinary uniform. Para syang katulad sa anime. (jackpot, im in the right spot.. ang cute nila at ang ikli pa ng palda). Deretso ako sa paglalakad hanggang sa may nakita akong grupo ng mga nagcocosplay. Dun na yata gaganapin yung event. (syempre first time, tingin tingin muna. But I felt a little bit insecurity because of my outfit, naka-“NARUTO VEST” lang ako, hindi kumpletong naruto outfit!!!!!. parang nakakahiyang pumunta dun)



***venue of cosplay tour***



Mga 1 pm na pero wala pa din si xai so i decided to take a break and buy some snacks. After a few minutes, i've received a text message:

XAI: Dito na kami. San kana??

AKO: Wait lang. bumili pa ko ng snacks.

XAI: Ok wait ka namin dito. Nu nga pala suot mo?

AKO: Nakashort lang ako then white polo shirt and naruto vest.

XAI: Okay.

Ayun nga, Umakyat na ko ng escalator. Nung andun na ko, Im looking for her. I saw a guy who's looking at my vest. Yun pala boyfriend nya. Lumingon si xai at tinawag ako. She introduce me to her boyfriend and started to walk around to look for some seats for a better view of the event.




*** me and xai, then si marvin (bf ni xai) yung photographer***


I saw a lot of cosplayer with different costumes of anime. Feeling ko, nasa anime world ako. Parang reunion ng lahat ng anime characters. Mga 2 pm na and we've decided to walked around and take some shots of cosplayer. Mga 3 pa naman kasi ang simula nung event. First stop, we saw a group of naruto girls loitering around (loitering???? sama ko naman....hahahaha)
. Dahil sa naka naruto vest ako, xai approaches the girls and says to them. "Excuse me, pwede ba magpapicture sa inyo???" Ayos, umagree naman sila. I've heard something pa nga from one of them na, "Uy, si naruto oh." (how excited they are??hahaha.. Wala kasing ng naruto cosplay sa event na yun, kaya ayun, feeling ko mga chikabebs ko sila..^^)


-from left to right- ***Hinata, Tenten, Ino, Me, Sakura***
(di ko natanong name nila kaya yung pangalan nalang ng character yung nilagay ko)


Ang daming mga magagandang bagay na makikita sa event na yun. For me, paradise ang lugar na yun. Naglibot libot pa kami to see other cosplayer. Tignan nyo nalang dito.




***xai, ulquiora(from bleach), me***






(whatcha think 'bout this one??? kinarir ang pagcocosplay.hehe)




***xai and her boyfriend marvin***





***free hugs hugged me???***


Buti nalang may dalang camera si xai. Ako kasi wala. After that, umupo na kami kasi mga 2:45 na nun. Baka mawalan kami ng seats. While waiting, we saw this group of familiar ninjas from naruto. OMG. The chibi sasuke and Suna Shinobi were here. Astig nila. Kuhang kuha talga nila yung itsura ng mga characters na ginaya nila. Takenote, MAGKAKAPATID SILA. What???? parang family of cosplayer sila ah. Wait lang papicture ako sa inyo!!!!!!!



***xai, sasuke, gaara, kankuro, temari, and me***



Kamukha talaga nila. Nainsecure ako dun.huhuhu. Wala akong kwenta kung ikukumpara sa kanila. (mag-antay lang kayo. nagpapatahi na ko ng pang-cosplay ko sa august event. just wait and see..nyahahahahaha) Kaso mas lalao akong nainsecure kay sasuke. Ang puti nya. Nawala kagwapuhan ko dahil sa kanya. hmmmppppp!!!



***chibi sasuke and me***
(nakaka-insecure kang bata ka...Hmf!!!)



Hindi ko makakalimutan itong coslay event na ito. Ito kasi yung kauna-unahang cosplay tour na napuntahan ko. Im currently working on my cosplay costume. Sana maging maganda ang kalalabasan.

Tuesday, June 23, 2009

HINDI NYO KO KILALA AT WALA PA KAYONG MAIPAGMAMALAKI PARA MAG-ANGAS





-FEELING NILA, MAGAGALING NA SILA. KUNG MAKAPANG-ASAR KALA MO KUNG SINO. KAYA LANG NAMAN NILA AKO ASARIN KAPAG MADAMI SILA-




"malakas tumahol ang aso kung may kasama silang tumatahol"




Ang gagaling nila mang-asar. (dun lang naman sila magaling). Napakayabang wala namang maipagyayabang. Ang daming mga ganyan sa ngayon. Ang kagandahan pa nun, nakapagyayabang sila sa akin kung madami sila. They were looking on the quantity, and not for the quality. Tingin mo ba dahil sa madami kayo eh magagaling na kayo???



Hindi naman porke't pinagbibigyan eh aabuso na. Tandaan nyo, wala pa kayong napapatunayan. All you have is DALDAL. So lessen your too much confidence. WE have proven nothing. We have no rights to take advantage on others. Pinagbibigyan ko naman kayo eh. Marunong akong makisama. Kung asaran, sige asaran tayo. But don't cross the borderline. Nagsama-sama kayo para asarin ako, OKAY lang. But don't cross the borderline. Anything has its own limit.


Kaso, yung mga pang-aasar nyo, masyado nang nakakapersonal eh. There are times that your teasing me along with my twin brother but i disregard it. But this time, masyado nyo nang pinapababa pagkatao ko. Nakakapersonal na talaga. You don't know anything about me so don't talk like you know anything. Masyado kayong nagmamarunong. Hinay hinay lang sa mga banat nyo mga tsong. Iniintindi ko kung bakit ganyan ang paraan nyo ng pakikisama. Dayo lang ako dito. Yun iba din sa inyo dayo lang din so we have different way of getting along to one another. Iba pagpapalaki sa inyo so igagalang ko yun. Pero MAY LIMITASYON ANG LAHAT. Ang problema kasi, sumosobra ang hangin nyo sa utak kapag magkakasama kayo. Feeling nyo ang gagaling nyo kasi magkakasama kayo. Tingin nyo magaling kayo sa akin dahil samasama kayo kaya you have guts to badmouth on me.

SIGE NGA! Try to badmouth me ALONE. Tignan natin yabang mo! HINDI NYO PA KO LUBOS NA KILALA. KAYA WAG KAYONG UMASTA NA PARA BANG MAGKABABATA TAYO.

Sinasamantala nyo kabaitan ko eh. Wag kayong abuso. Kapag may problema kayo, MUKHA KAYONG ASONG NAGMAMAKAAWA. Kung nadelay man yung pagpapadala sa inyo ng allowance, pinapautang ko kayo. If i have something, binibigyan ko kayo. Kung may inuman kayo, sumasama ako pero hindi nyo mapipilit uminom. Kapag may report at kailangan nang presentation, nagvovolunteer akong gumawa because i know na wala kayong pera to rent a computer. Ang lupet nyo. Tingin nyo sa akin SAVIOR kapag tinulungan ko kayo.

Ang lakas ng APOG nyo kasi ang lakas ng team nyo. Alam nyo kasing hindi ako madaling mapikon kaya ako pinagtutulungan nyong asarin. Pero okay lang, kasiyahan lang naman eh. Wag nga lang sosobra. Ngumingiti lang ako whenever you badmouth on me. (okay lang. Makisama ka nalang jhoenel. They don't know what they're talking so stay calm. Bumanat ka nalang ng matinding joke para kunyari hindi ka naaasar. Kung korni ka okay lang. Basta makisama ka.)

Pero ano ang laban ko kung lahat sila tumatahol. All of them were badmouthing on me. Ahhhhh!!! Ibang usapan na yan. Hindi ko hahayaan na api-apihin nalang ako. I will fight back if needed. Ipapamukha ko sa kanila kung sino ang ibinababa nila.

"I will allow you to tease me. Parte yun ng samahan. Pero kung nakakasira na kayo ng pagkatao ko, asahan nyo mas matinding banat ang ilalagak ko sa inyo. Hindi ko hahayaang umangat ang kayabangan nyo lalo na't wala naman kayong maipagyayabang!!!"


+@N&!n@. Ginalit nyo ko ng husto!!! Pasensyahan tayo! Mga kaibigan ko kayo kaso ginalit nyo talaga ako.!!!!!




Monday, June 22, 2009

HELLISH REVISION: The MAR-E Abandon the MT131

( group of marine engineers of MT131 was on their voyage. Suddenly, a group of ME168 mariners met them)

ME168: Nyahahahah.... you must join us now. we are more superior and powerful than your ship.

MT131: WHAT??? Give us a reason why???

ME168: Well... I ask you one question. Who is your captain????

MT131: (confused and annoyed, they were arguing about that question because they don't know who their captain is).........


-------(comic strip over)--------


DARN!!!! What a hellish problem?!!! I thought everything was okay. But then i was wrong.

"WE MUST ABOLISHED THE MT131 THEN ENROLL THE ME168"

Well, its okay for us ( christian, mancenido and abiera). Hindi naman kasi time consuming yung pagpaparevise ng course load. Maliban nalang kung kasing haba ng pila sa libreng NFA rice yung magpaparevise. Ayon nga, because we know that the revision of course was way to easy to be done, we've decided to change it tomorrow. (mga tamad kasi sila, nahawa lang ako)
Thursday nun, may klase kami. But after that, since we have are freetime, we've proceeded to the registrar. Ayos, maikli lang yung pila. Pinagsamasama na namin yung CM (certification of matriculation) namin tapos pinasa na nila sa registrar. Mga 5 minutes lang, tapos na. Tinawag kami ni registrar.

REGISTRAR
: Hindi pwedeng iprocess yung revison of course load nyo. Puno na yung slot for section B43 wherein yun dapat ang section nyo. Dun naman sa A43, may conflict sa time schedule nyo.

GWAPITOS
:( jhoenel, mancenido, christian and abiera) kausapin nalang po muna namin si SIR OP o di kaya eh si Sir Padilla.

Rawr!!!! Umabot na sa kalabuan. We were arguing each other na sana nagparevise kami ng maaga-aga. Well, ano pa ba magagawa namin. Sabi nga ng matatanda, "NASA HULI ANG PAGSISISI". While arguing, we've proceeded to the office of SIR OP. He told us that we must ask first SIR PADILLA about this problem since his the one who will handle us in his class. After that, umalis na kami.

WHAPAK! Parang pinaglalaruan lang kami. Naglalakad lang kami sa wala. Kaso wala pala si Sir PAdilla kaya umuwi na din kami. Eh, kinabukasan nun LAGUNA DAY kaya hindi kami makakapagrevise sa friday. So, i left the dormitory and decided to stay with my ate in losbanos (dun kasi sya nag-aaral sa UPLB). Doon ako magpapalipas ng oras. Atleast dun, libre gamit ng internet. One to sawa..hahahahaha

June 22, 2009. Kanina lang yun. Mga around 8 o'clock ng kami'y magising. Mga 9:30 am na nung makapunta kami sa school. Our first destination is on the dean's office. Christian opened the door and asked where Sir Padilla was.

CHRISTIAN
: Sir, can i ask kung nasaan po si Sir padilla?

Anonymous
(di ko kasi kilala eh): Nandoon sa klase nya sa A43.

CHRISTIAN
: Thank you po sir.

Pumunta kami sa class ni sir. But before that, nalibot na yata namin ang buong J.P.Rizal building because we don't have any idea kung saan ba ang classroom ni sir. Nung una, sumisilip silip lang kami. Eh si sir Padilla eh napansin kami. Lumabas sya ng room then approached us.

SIR PADILLA
: Ano ang kailangan nyo?

CHRISTIAN
: Sir, may conflict kasi sa time schedule namin kung ieenroll namin itong course na ito. Sabi ni Sir OP kayo daw ang tanungin namin.

SIR PADILLA
: Pasok muna kayo sa classroom. Dun tayo mag-usap.
(I was confused, bakit naman papapasukin kami sa classroom eh may klase sya. But wala na kami magagawa. Sabi ni Sir eh. Hindi ko na sasabihin yung nangyari dun, kakahiya lang. Yung mga A43 nalang nakakaalam nun. NO LEAKAGE!!!!)

Ayon! Approved na ni sir. Pwede na kami magparevise. Punta na kami sa registrar. Binigay namin yung revising slip namin. Ay sos! hindi pa pala tapos ang problema. This time ako lang yung may katangahang ginawa. WALA ANG CM KO!!!!!! Kailangan pa naman yun sa pagpaparevise. Proceed daw muna ko sa window 2 to get a new copy of CM.
Pumunta ko dun, binigay ko yung revising slip kasama yung ID ko. The registrar type my student number to view my current load.

REGISTRAR
: Sir, hindi po pwede kayo magpadagdag ng course. You'be exceeded the 15 units limit.

JHOENEL GWAPO
: Po! eh bakit po yung mga kasama ko nakapagparevise na po eh parehas lang naman kami.

REGISTRAR
: (tinignan yung ID ko. she compared the student number that she type to my ID. Ayon! Mali ang pagkakatype nya. Bakit kaya???) Sir tignan nyo po yung student number na nilagay nyo sa revising slip. HINDI NYO PO BA KABISADO YUNG SARILI NINYONG STUDENT NUMBER?????

(tinignan ko yung revising slip ko. Wala namang mali ah)

JHOENEL GWAPO
: Ma'am wala na pong mali ah.

REGISTRAR
: Anong wala? Tignan mo nga yung number mo dyan, sa halip na 9 eh ang nakasulat eh 8.

JHOENEL
: (laking taka ko) Ah!!! ma'am. Nagtae lang po yung ballpen ko kaya nagmukhang 8 yun. ( deep inside, napahiya ako. kasi may nakapila sa likod ko and they heard anything about what the registrar have said)...



BADTRIP!!!!!

Friday, June 19, 2009

MALAYANISTAS vs. TRICYCLE vs. TRAFFIC

Zzzzzzz......... ZzzzzZZZzzzzz....

*poof*.. "hoy, gumising kana jhoenel. hindi ka ba papasok"

yawn.... "anong oras na ba???", tanong ko. hindi sumagot si christian. busy sa pagbibihis. tapos na kasi siya maligo. ako naman, tumayo na para tignan kung anong oras na nga ba..

"Waaaaaaaahhhhh!!!!!"

Holy patatas. quarter to 7:00 na pala. the most critical time. tagal ko pa naman maligo. nagmamadali kong kinuha yung twalya. nung buksan ko yung pinto nung banyo, OMG. another problem. naliligo pa pala si mancenido.

"WHAT SHOULD I DO?????" alam ko na. magtotoothbrush muna ko. sakto naman na natapos na sa paliligo si mancenido. time check again. 6:50am.. don't lose hope, kaya yan. edi pumasok na nga ako ng banyo para maligo.

----BERSERK MODE ACTIVATED---

buhos, sabon, buhos shampoo, buhos, then voila. tapos na akong maligo. wala pa yatang 5 minutes tapos na ko.
ewan ko ba. bigla akong nagberserk at that moment. as in, ang bilis kong mag-ayos. natapos din ako kasama nung mga dorm mates ko. unting pulbos then ready to go na.

sakto. mga lima kasi kaming magkakasabay pumasok. special na kaagad ang sasakyan namin. (special.. yun yung tricycle lane sa terminal kung saan kapag nagmamadali ka at hindi mo na maantay na mapuno yung tricycle, mag special kana). pagkalabas namin ng dorm. HOLY SHIT. ano ito. yung pila ng papuntang malayan eh umabot na sa kanto . parang pila sa mga bumibili ng NFA rice. ok lang yung last option nmin eh yung pila sa special lane. buti nalang unti yung pila. nakita pa nga namin si sir DC. nakapila din sa special lane. (wala lang. nabanggit ko lang si sir dc..hehe)

nung malapit na kami sumakay, napansin ko kulang pala yung tricycle sa terminal. kung nung last year sobra sobra yung tricycle, ngayon eh parang kulang na sila. hindi nila kinaya ang kapangyarihan ng mga malayanistas. biruin mo ba naman, 1258 yung enrolled freshmen this school term.

By the way. balik tayo sa pilahan.
yun na nga. nakasakay na kami. phew, at last nakasakay din. pero hindi pa pala dito natatapos yung trahedya. HEAVY TRAFFIC. ngayon lang ako nakakita ng traffic na halos tricycle lang ang laman ng kalsada. nag time check ulit ako sa aking naruto watch. 7:20 na. oh c'mon..

"nagmadali lang akong maligo para lang malate??????"

bago yun ah. ang gandang gawing motto. usad pagong yung takbo ng tricycle, nang mapansin kong yung mga ibang tricycle sinakop na din yung kabilang kalsada.

"WHAT THE???? eh mga #%@*+!!!!! pala 'tong mga tricycle driver na ito eh", sabi ko sa sarili ko. kung ganun nga, traffic talaga ang kahihinatnan. eh hindi na makakapasok yung ibang sasakyan sa lane na yun kasi barado na. nakakapikon yun mga ganun. naninisi sila kung bakit matraffic samantalang sila naman ang dahilan.

after a few minutes umusad na din kami. sa may kanto nakita ko may nagkabungguan pala. isang truck at kotse. nakakaawa ang kalagayan ng kotse. talagang wasak ang tagiliran ng kanyang sasakyan. babae kasi yung driver nung kotse. (hahaha.. anong konek kung babae yung driver???) isa din pala yun sa dahilan kung bakit traffic.

Ayos na. may naisip na kong dahilan kung bakit kami nalate. pero panu uli kaya kinabukasan???

kakayanin pa kaya ng tricycle ang pwersa ng mga libo libong estudyante ng MALAYAN?????

Paano kung may nagkabungguan uling sasakyan??? malalate na naman kaming mga estudyante???

Thursday, June 18, 2009

TAWA NG MANGKUKULAM - part 2

"bilisan nyo at baka mahuli tayo ng gwardya"

may guard kasi sa dorm, baka kasi nagising kaya nagmamadali kaming bumaba. pagdating namin sa kwarto nandun na si christian, yun pala kumain siya.

"christian, nasaan na yung barong mo. dali mananakot pa tayo", sabi ko.

"nandyan lang yun ah. nasa sabitan lang yun", sagot nya.

lahat kami nagsipaghanapan ng barong. nasaan na kaya yun??? baka may nangttrip din sa amin ah. masamang biro to.

"hanapin mo sa kwarto nila padrigo", sabi ni mancenido.

Ayun, naghanap sila sa kwarto nila mancenido habang ako eh kumukuha ng pulbos. si correa kasi yung magsusuot ng barong tapos lalagyan namin siya ng pulbos para magmukhang nakakatakot. Dumating sila christian dala yung barong.

"Ayos, bilis suot mo na yan correa", pagmamadali kong sabi.

eto na, pinatay muna namin yung ilaw bago magbihis si correa. lahat kami nandun lang sa isang kwarto. kami nalang nina christian, mancenido, becerel at correa ang natitirang gising. si juan victor dumeretso na ng tulog. tapos na magbihis si correa. binuksan na namin yung ilaw. Gulat kaming lahat.

"correa, nakakatakot itsura mo, mukha kang tootong multo", sabi ko.

pati si correa nagulat sa sarili nya nung tignan nya yung sarili sa salamin. okey. costume check. next plan naman eh yung gagawin namin para maging convincing yung act ni correa. lahat nagbigay ng opinyon.

"panu kaya kung ilawan ni correa yung sarili nya para makita siya sa dilim tapat nya yung flashlight sa kanya", opinyon ni christian.

"hindi, wag nang ganun, ganito dapat ang gawin. Diba una, papatugtugin natin yung "tawa ng mangkukulam ringtone" tapos nun tatayo lang sa isang gilid si correa at gagalaw lang ng unti", sabi ko sa kanila. Okay, agree sila. pero syempre kailangan testingin muna kung epektib. edi pinatay na nga namin yung ilaw tapos pinatayo si correa sa iisang sulok. waaaaaahhhhh... kakatakot nga. sana di kami karmahin..

umakyat na kami ng third floor. yun namang mga babaeng marine transportation student ang dadalihin namin. nasa second floor na kami nung biglang lumitaw si zharmaine. sakto. papunta pala siya sa kwarto nina jean (marine transportation student). may inside job na kami.. sinabi namin lahat ng plano namin kay zharmaine. ayos, hindi siya kumontra. dumeretso na kami sa 3rd floor. syempre si zharmaine ang nauna. pumasok siya tapos sinara yung pinto. kunwari ala siya alam. "LARGA NA!!!!" pumuwesto na kami. nasa harap ng pinto ng kwarto si correa, habang ako ay nasa gilid kasi ako yung magpapatunog ng ringtone. sila mancenido, christian at becerel naman eh nasa iisang tabi. nakaset-up na lahat. "3......2.......1.....go!!"

"hihihihihihi, hihihihihihi, hihihihihihihi, hihihihihihi,"

eto na. si zharmaine ay nagsimula nang umakting.

"hala!!! ano yun???", sabi ni zharmaine sa mga nasa loob ng kwarto.

tumahimik ang paligid. parang epektib yung ginawa namin. pero di pa dyan natatapos. gumawa ng eksena si correa. kinamot niya yung pinto para gumawa ng mas nakakatakot na ingay. tapos sinabayan ko ulit ng tunog nung ringtone.

"zharmaine, buksan mo yung pinto. ano ba yun??", sabi nung isa na nasa loob ng kwarto.

tahimik pa din. di pa nakuntento si correa. binuksan nya yung pinto. sabay tayo sa harap. matagal din siyang tumayo dun tapos sabay lakad palayo sa kwarto tapos kumaripas ng takbo. THE END

TAWA NG MANGKUKULAM - part 1

We were currently playing dota with my dorm mates. Mga 1:00 a.m. na ata kami natapos maglaro. Badtrip nga eh, talo kami. Mga trash talker kasi. Nag-aasaran pa habang naglalaro. Well, hindi naman maiiwasan yun. Sa araw araw ba naming kami ay nagdodota, lagi nalang may ganun. Ayun nga, mga ubos pera namin nung umalis kaming computer shop, then tambay mode naman sa kwarto namin. Kami nalang nina Christian, Becerel, Correa, Mancenido, Juan Victor ang natitirang mga nocturnal. Ewan ba, pero hindi ako makatulog, kumbaga may enough chakra pa ako to stay awake.

“hihihihi, hihihihihi, hihihihihi, hihihihi”.

OMG! Nakakatakot yung tunog na yun, parang mangkukulam na lumilipad. Yun pala, ringtone lang ng cellphone ni correa. “uy! Mangtrip tayo ngayon, manakot tayo gamit yung ringtone na yan”, sabi ko. “Oo nga”, sabi naman nung isa. Ayon nga, nag-agree ang lahat tutal wala pa naman sa aming inaantok eh. “Mancenido, nasaan na yung barong mo”, pagmamadaling sabi ni correa. Aba! Wala ang barong. Hinanap na kung saan saan ala pa din. “Kay Christian yun eh, baka itinago. Bayaan mo na yun. Eh sino ba una nating bibiktimahin???”, sabi ko. Sayang, si juan victor sana bibiktimahin namin kaso kasama namin siya. Matatakutin pa naman yun. Pero may isa pa pala kaming option. “Alam ko na, si Gomark nalang. Matatakutin din yun diba?” Jackpot, first target spotted. Tuloy na tuloy na yung gimik. Si juan victor pa naman ka-roommate nun.

Eto na nga, umakyat kami sa second floor ng dormitory, patay lahat ng ilaw. Tahimik, at ang lamig pa. “Sssshhh!!!! Walang maingay o tatawa ha!” binuksan na ni juan victor yung pinto. Ayos, mukhang mahimbing ang tulog ni gomark. Pumasok kami nina correa at juan victor, habang sila mancenido at becerel eh nasa labas. Whapak!!!! Unang banat, si correa yung nagpatunog ng cellphone ringtone.

“hihihihihi, hihihihihi, hihihihihi, hihihihihi”

Pigil lahat yung tawa namin, pinilit naming hindi gumawa ng ingay. Pagkatapos nun, biglang nagising si gomark. “Vic ano yun???”, sabi niya. (buo kasing akala ni gomark, si victor lang ang nandun natutulog, hindi nya alam, nandoon kami)... “huh? Wala naman ah.”, sagot naman ni juan victor. After nun, edi tahimik muna. Mukhang nakikiramdam si gomark kung ano ba talaga yung ingay na yun. Mukhang nagsisimula na siyang matakot. Ikaw ba naman makarinig ng ganung klaseng ingay sa ganung oras. Eto na, papatugtugin uli ni correa yung cellpone nya ng biglang nalowbat sya. Patay! Sumenyas sa akin si Correa. “Patugtugin mu yung sayo”, pabulong niyang sabi. Oo nga pala, dala ko nga pala yung cellphone ko, at may kopya din ako ng ringtone na yun. Ayos, ako naman ang babanat.

“hihihihihi, hihihihihi, hihihihihi, hihihihihi”

Ayon, pigil na naman tawa namin. “Vic, ano ba yun??”, tanong ni gomark. Mukhang natatakot si gomark. Hagikgikan kami ng hagikgikan. “Oo nga no??? ano nga yon???", sagot ni vic na may halong takot sa boses(syempre acting lang para convincing yung act). Kaso hindi napigilan ni juan victor yung pagtawa pero deretso pa din yun pagpapatugtog ko nung ringtone. Eh ang potek, kita pala ni gomark yung ilaw ng cellphone. “cellphone mo bay un vic???” sabi ni gomark. Nako! Mukhang buking kami ah. After nun, nagpakita na kami. Tapos sabay takbo pababa ng first floor.

Monday, June 15, 2009

*eng017* - Kakaibang Activity

first day of classes. *syempre excited*

mga 2:30 na ng hapon yun. all of my marine classmates were waiting for our next subject which is ENG017 o yung tinatawag nilang MARITIME ENGLISH... unwined muna kami sa lobby while watching other students na naglalaro ng table tennis. After that, mga 1 hour ata namin inubos yung freetime namin sa pagdadaldalan lang. AYOS. 4:30 na. last subject pra makauwi na sa dorm. mga 4:15 wala pa din yung teacher namin. Aba! mukhang nangangamoy uwian kagad, nang biglang dumating yung teacher namin.

"BAGOOM". nakupo. si mam mondez ang teacher namin, madami na namang ipapagawa yan na bago.(naging teacher na kasi namin sya nung last year).

"Good afternoon mam mondez", sabi namin to our teacher. "good afternoon, since this is our first day you need to introduce yourself in front of the class". WHAT????? (gulat kami lahat). "Ma'am, magkakakilala na naman po kami eh", banat ng isa kong kaklase. Ayun. ala lang snob lang si mam. "but, your going to introduce yourself while singing, acting or something that will make your introduction interesting, form your group now", my teacher added. MY GOD. ito na ang simula na kakaibang activity ni mam. first day palang pero pinapahirapan na kami. lahat nag-iisip kung ano ang gagawin when my classmate told me, "JHOENEL, tayo nalang nina VALENCIA ang magkagrupo". si ZYMON un, also one of my classmates. OK edi ayos na. all we need to do is to think of some gig na siguradong magugustuhan ni ma'am at ng buong klase. isa sa naisip namin eh yung "AKO MISMO" infomercial. but then, tagalog yun eh. dapat english. "edi englishin natin, sabi ni zymon. ayun edi ininglish nila. yung final decision yung word na "ITS ME". whapak. ang korni. gandang gig para mapansin. "eto pa pala, may kakantahin ako para sa introduction natin, akong bahala dun", sabi ko sa kagrupo ko.

ang dami na natawag, kung anu anu pinaggagagawa sa harapan. may nag-pinoy henyo, bikini open, sumayaw ng careless whisper at kumanta ng childrens song. aba! hindi pa kami tinatawag, yun pla kami yung panghuli sa tatawagin. para bang sinabi ni mam na "save the best to the last".

yun na nga. pumunta na kami sa harapan, nakapila kami tapos seryoso yung itsura (kailangan yun para performance level) ako yung nasa harapan at nagsimula ng kumanta. children's song din pero serious ako nun. xempre seryoso din yung mga kaklase namin habang hinihintay ang malupet namin performance.


I HAVE THREE FRIENDS
IN FRONT OF MY EYES
IM JHOENEL MARQUEZ SO BRIGHT
CLAP YOUR HANDS SOFTLY ONE TWO THREE
LADIES AND GENTLEMEN "ITS ME"

after nung kanta, switch position tapos sumigaw kami ng
"AKO MISMO!!! AKO MISMO!!!! in english...................
. ITS ME"
ang lupet. tawanan silang lahat. hindi namin akalain na mgagawa namin yun. pati teacher namin napahanga namin..hahahaha... nagmukha kaming tanga pr lang dun.