kakashi's clock - so he won't be late to his next mission

Tuesday, June 23, 2009

HINDI NYO KO KILALA AT WALA PA KAYONG MAIPAGMAMALAKI PARA MAG-ANGAS





-FEELING NILA, MAGAGALING NA SILA. KUNG MAKAPANG-ASAR KALA MO KUNG SINO. KAYA LANG NAMAN NILA AKO ASARIN KAPAG MADAMI SILA-




"malakas tumahol ang aso kung may kasama silang tumatahol"




Ang gagaling nila mang-asar. (dun lang naman sila magaling). Napakayabang wala namang maipagyayabang. Ang daming mga ganyan sa ngayon. Ang kagandahan pa nun, nakapagyayabang sila sa akin kung madami sila. They were looking on the quantity, and not for the quality. Tingin mo ba dahil sa madami kayo eh magagaling na kayo???



Hindi naman porke't pinagbibigyan eh aabuso na. Tandaan nyo, wala pa kayong napapatunayan. All you have is DALDAL. So lessen your too much confidence. WE have proven nothing. We have no rights to take advantage on others. Pinagbibigyan ko naman kayo eh. Marunong akong makisama. Kung asaran, sige asaran tayo. But don't cross the borderline. Nagsama-sama kayo para asarin ako, OKAY lang. But don't cross the borderline. Anything has its own limit.


Kaso, yung mga pang-aasar nyo, masyado nang nakakapersonal eh. There are times that your teasing me along with my twin brother but i disregard it. But this time, masyado nyo nang pinapababa pagkatao ko. Nakakapersonal na talaga. You don't know anything about me so don't talk like you know anything. Masyado kayong nagmamarunong. Hinay hinay lang sa mga banat nyo mga tsong. Iniintindi ko kung bakit ganyan ang paraan nyo ng pakikisama. Dayo lang ako dito. Yun iba din sa inyo dayo lang din so we have different way of getting along to one another. Iba pagpapalaki sa inyo so igagalang ko yun. Pero MAY LIMITASYON ANG LAHAT. Ang problema kasi, sumosobra ang hangin nyo sa utak kapag magkakasama kayo. Feeling nyo ang gagaling nyo kasi magkakasama kayo. Tingin nyo magaling kayo sa akin dahil samasama kayo kaya you have guts to badmouth on me.

SIGE NGA! Try to badmouth me ALONE. Tignan natin yabang mo! HINDI NYO PA KO LUBOS NA KILALA. KAYA WAG KAYONG UMASTA NA PARA BANG MAGKABABATA TAYO.

Sinasamantala nyo kabaitan ko eh. Wag kayong abuso. Kapag may problema kayo, MUKHA KAYONG ASONG NAGMAMAKAAWA. Kung nadelay man yung pagpapadala sa inyo ng allowance, pinapautang ko kayo. If i have something, binibigyan ko kayo. Kung may inuman kayo, sumasama ako pero hindi nyo mapipilit uminom. Kapag may report at kailangan nang presentation, nagvovolunteer akong gumawa because i know na wala kayong pera to rent a computer. Ang lupet nyo. Tingin nyo sa akin SAVIOR kapag tinulungan ko kayo.

Ang lakas ng APOG nyo kasi ang lakas ng team nyo. Alam nyo kasing hindi ako madaling mapikon kaya ako pinagtutulungan nyong asarin. Pero okay lang, kasiyahan lang naman eh. Wag nga lang sosobra. Ngumingiti lang ako whenever you badmouth on me. (okay lang. Makisama ka nalang jhoenel. They don't know what they're talking so stay calm. Bumanat ka nalang ng matinding joke para kunyari hindi ka naaasar. Kung korni ka okay lang. Basta makisama ka.)

Pero ano ang laban ko kung lahat sila tumatahol. All of them were badmouthing on me. Ahhhhh!!! Ibang usapan na yan. Hindi ko hahayaan na api-apihin nalang ako. I will fight back if needed. Ipapamukha ko sa kanila kung sino ang ibinababa nila.

"I will allow you to tease me. Parte yun ng samahan. Pero kung nakakasira na kayo ng pagkatao ko, asahan nyo mas matinding banat ang ilalagak ko sa inyo. Hindi ko hahayaang umangat ang kayabangan nyo lalo na't wala naman kayong maipagyayabang!!!"


+@N&!n@. Ginalit nyo ko ng husto!!! Pasensyahan tayo! Mga kaibigan ko kayo kaso ginalit nyo talaga ako.!!!!!




1 comment:

Xairylle said...

Kung ako yun, malamang sabihan ko sila flat out na nakakaasar na sila. Prangka ako kasi eh. Pag may ayaw ako, sinasabi ko. Once, twice, thrice... Pag wala pa, magsama sila. Kung ayaw nila sa'yo, FINE. Mas ayaw mo naman sa kanila.