Zzzzzzz......... ZzzzzZZZzzzzz....
*poof*.. "hoy, gumising kana jhoenel. hindi ka ba papasok"
yawn.... "anong oras na ba???", tanong ko. hindi sumagot si christian. busy sa pagbibihis. tapos na kasi siya maligo. ako naman, tumayo na para tignan kung anong oras na nga ba..
"Waaaaaaaahhhhh!!!!!"
Holy patatas. quarter to 7:00 na pala. the most critical time. tagal ko pa naman maligo. nagmamadali kong kinuha yung twalya. nung buksan ko yung pinto nung banyo, OMG. another problem. naliligo pa pala si mancenido.
"WHAT SHOULD I DO?????" alam ko na. magtotoothbrush muna ko. sakto naman na natapos na sa paliligo si mancenido. time check again. 6:50am.. don't lose hope, kaya yan. edi pumasok na nga ako ng banyo para maligo.
----BERSERK MODE ACTIVATED---
buhos, sabon, buhos shampoo, buhos, then voila. tapos na akong maligo. wala pa yatang 5 minutes tapos na ko.
ewan ko ba. bigla akong nagberserk at that moment. as in, ang bilis kong mag-ayos. natapos din ako kasama nung mga dorm mates ko. unting pulbos then ready to go na.
sakto. mga lima kasi kaming magkakasabay pumasok. special na kaagad ang sasakyan namin. (special.. yun yung tricycle lane sa terminal kung saan kapag nagmamadali ka at hindi mo na maantay na mapuno yung tricycle, mag special kana). pagkalabas namin ng dorm. HOLY SHIT. ano ito. yung pila ng papuntang malayan eh umabot na sa kanto . parang pila sa mga bumibili ng NFA rice. ok lang yung last option nmin eh yung pila sa special lane. buti nalang unti yung pila. nakita pa nga namin si sir DC. nakapila din sa special lane. (wala lang. nabanggit ko lang si sir dc..hehe)
nung malapit na kami sumakay, napansin ko kulang pala yung tricycle sa terminal. kung nung last year sobra sobra yung tricycle, ngayon eh parang kulang na sila. hindi nila kinaya ang kapangyarihan ng mga malayanistas. biruin mo ba naman, 1258 yung enrolled freshmen this school term.
By the way. balik tayo sa pilahan.
yun na nga. nakasakay na kami. phew, at last nakasakay din. pero hindi pa pala dito natatapos yung trahedya. HEAVY TRAFFIC. ngayon lang ako nakakita ng traffic na halos tricycle lang ang laman ng kalsada. nag time check ulit ako sa aking naruto watch. 7:20 na. oh c'mon..
"nagmadali lang akong maligo para lang malate??????"
bago yun ah. ang gandang gawing motto. usad pagong yung takbo ng tricycle, nang mapansin kong yung mga ibang tricycle sinakop na din yung kabilang kalsada.
"WHAT THE???? eh mga #%@*+!!!!! pala 'tong mga tricycle driver na ito eh", sabi ko sa sarili ko. kung ganun nga, traffic talaga ang kahihinatnan. eh hindi na makakapasok yung ibang sasakyan sa lane na yun kasi barado na. nakakapikon yun mga ganun. naninisi sila kung bakit matraffic samantalang sila naman ang dahilan.
after a few minutes umusad na din kami. sa may kanto nakita ko may nagkabungguan pala. isang truck at kotse. nakakaawa ang kalagayan ng kotse. talagang wasak ang tagiliran ng kanyang sasakyan. babae kasi yung driver nung kotse. (hahaha.. anong konek kung babae yung driver???) isa din pala yun sa dahilan kung bakit traffic.
Ayos na. may naisip na kong dahilan kung bakit kami nalate. pero panu uli kaya kinabukasan???
kakayanin pa kaya ng tricycle ang pwersa ng mga libo libong estudyante ng MALAYAN?????
Paano kung may nagkabungguan uling sasakyan??? malalate na naman kaming mga estudyante???
Friday, June 19, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment