kakashi's clock - so he won't be late to his next mission

Thursday, June 18, 2009

TAWA NG MANGKUKULAM - part 2

"bilisan nyo at baka mahuli tayo ng gwardya"

may guard kasi sa dorm, baka kasi nagising kaya nagmamadali kaming bumaba. pagdating namin sa kwarto nandun na si christian, yun pala kumain siya.

"christian, nasaan na yung barong mo. dali mananakot pa tayo", sabi ko.

"nandyan lang yun ah. nasa sabitan lang yun", sagot nya.

lahat kami nagsipaghanapan ng barong. nasaan na kaya yun??? baka may nangttrip din sa amin ah. masamang biro to.

"hanapin mo sa kwarto nila padrigo", sabi ni mancenido.

Ayun, naghanap sila sa kwarto nila mancenido habang ako eh kumukuha ng pulbos. si correa kasi yung magsusuot ng barong tapos lalagyan namin siya ng pulbos para magmukhang nakakatakot. Dumating sila christian dala yung barong.

"Ayos, bilis suot mo na yan correa", pagmamadali kong sabi.

eto na, pinatay muna namin yung ilaw bago magbihis si correa. lahat kami nandun lang sa isang kwarto. kami nalang nina christian, mancenido, becerel at correa ang natitirang gising. si juan victor dumeretso na ng tulog. tapos na magbihis si correa. binuksan na namin yung ilaw. Gulat kaming lahat.

"correa, nakakatakot itsura mo, mukha kang tootong multo", sabi ko.

pati si correa nagulat sa sarili nya nung tignan nya yung sarili sa salamin. okey. costume check. next plan naman eh yung gagawin namin para maging convincing yung act ni correa. lahat nagbigay ng opinyon.

"panu kaya kung ilawan ni correa yung sarili nya para makita siya sa dilim tapat nya yung flashlight sa kanya", opinyon ni christian.

"hindi, wag nang ganun, ganito dapat ang gawin. Diba una, papatugtugin natin yung "tawa ng mangkukulam ringtone" tapos nun tatayo lang sa isang gilid si correa at gagalaw lang ng unti", sabi ko sa kanila. Okay, agree sila. pero syempre kailangan testingin muna kung epektib. edi pinatay na nga namin yung ilaw tapos pinatayo si correa sa iisang sulok. waaaaaahhhhh... kakatakot nga. sana di kami karmahin..

umakyat na kami ng third floor. yun namang mga babaeng marine transportation student ang dadalihin namin. nasa second floor na kami nung biglang lumitaw si zharmaine. sakto. papunta pala siya sa kwarto nina jean (marine transportation student). may inside job na kami.. sinabi namin lahat ng plano namin kay zharmaine. ayos, hindi siya kumontra. dumeretso na kami sa 3rd floor. syempre si zharmaine ang nauna. pumasok siya tapos sinara yung pinto. kunwari ala siya alam. "LARGA NA!!!!" pumuwesto na kami. nasa harap ng pinto ng kwarto si correa, habang ako ay nasa gilid kasi ako yung magpapatunog ng ringtone. sila mancenido, christian at becerel naman eh nasa iisang tabi. nakaset-up na lahat. "3......2.......1.....go!!"

"hihihihihihi, hihihihihihi, hihihihihihihi, hihihihihihi,"

eto na. si zharmaine ay nagsimula nang umakting.

"hala!!! ano yun???", sabi ni zharmaine sa mga nasa loob ng kwarto.

tumahimik ang paligid. parang epektib yung ginawa namin. pero di pa dyan natatapos. gumawa ng eksena si correa. kinamot niya yung pinto para gumawa ng mas nakakatakot na ingay. tapos sinabayan ko ulit ng tunog nung ringtone.

"zharmaine, buksan mo yung pinto. ano ba yun??", sabi nung isa na nasa loob ng kwarto.

tahimik pa din. di pa nakuntento si correa. binuksan nya yung pinto. sabay tayo sa harap. matagal din siyang tumayo dun tapos sabay lakad palayo sa kwarto tapos kumaripas ng takbo. THE END

No comments: