We were currently playing dota with my dorm mates. Mga 1:00 a.m. na ata kami natapos maglaro. Badtrip nga eh, talo kami. Mga trash talker kasi. Nag-aasaran pa habang naglalaro. Well, hindi naman maiiwasan yun. Sa araw araw ba naming kami ay nagdodota, lagi nalang may ganun. Ayun nga, mga ubos pera namin nung umalis kaming computer shop, then tambay mode naman sa kwarto namin. Kami nalang nina Christian, Becerel, Correa, Mancenido, Juan Victor ang natitirang mga nocturnal. Ewan ba, pero hindi ako makatulog, kumbaga may enough chakra pa ako to stay awake.
“hihihihi, hihihihihi, hihihihihi, hihihihi”.
OMG! Nakakatakot yung tunog na yun, parang mangkukulam na lumilipad. Yun pala, ringtone lang ng cellphone ni correa. “uy! Mangtrip tayo ngayon, manakot tayo gamit yung ringtone na yan”, sabi ko. “Oo nga”, sabi naman nung isa. Ayon nga, nag-agree ang lahat tutal wala pa naman sa aming inaantok eh. “Mancenido, nasaan na yung barong mo”, pagmamadaling sabi ni correa. Aba! Wala ang barong. Hinanap na kung saan saan ala pa din. “Kay Christian yun eh, baka itinago. Bayaan mo na yun. Eh sino ba una nating bibiktimahin???”, sabi ko. Sayang, si juan victor sana bibiktimahin namin kaso kasama namin siya. Matatakutin pa naman yun. Pero may isa pa pala kaming option. “Alam ko na, si Gomark nalang. Matatakutin din yun diba?” Jackpot, first target spotted. Tuloy na tuloy na yung gimik. Si juan victor pa naman ka-roommate nun.
Eto na nga, umakyat kami sa second floor ng dormitory, patay lahat ng ilaw. Tahimik, at ang lamig pa. “Sssshhh!!!! Walang maingay o tatawa ha!” binuksan na ni juan victor yung pinto. Ayos, mukhang mahimbing ang tulog ni gomark. Pumasok kami nina correa at juan victor, habang sila mancenido at becerel eh nasa labas. Whapak!!!! Unang banat, si correa yung nagpatunog ng cellphone ringtone.
“hihihihihi, hihihihihi, hihihihihi, hihihihihi”
Pigil lahat yung tawa namin, pinilit naming hindi gumawa ng ingay. Pagkatapos nun, biglang nagising si gomark. “Vic ano yun???”, sabi niya. (buo kasing akala ni gomark, si victor lang ang nandun natutulog, hindi nya alam, nandoon kami)... “huh? Wala naman ah.”, sagot naman ni juan victor. After nun, edi tahimik muna. Mukhang nakikiramdam si gomark kung ano ba talaga yung ingay na yun. Mukhang nagsisimula na siyang matakot. Ikaw ba naman makarinig ng ganung klaseng ingay sa ganung oras. Eto na, papatugtugin uli ni correa yung cellpone nya ng biglang nalowbat sya. Patay! Sumenyas sa akin si Correa. “Patugtugin mu yung sayo”, pabulong niyang sabi. Oo nga pala, dala ko nga pala yung cellphone ko, at may kopya din ako ng ringtone na yun. Ayos, ako naman ang babanat.
“hihihihihi, hihihihihi, hihihihihi, hihihihihi”
Ayon, pigil na naman tawa namin. “Vic, ano ba yun??”, tanong ni gomark. Mukhang natatakot si gomark. Hagikgikan kami ng hagikgikan. “Oo nga no??? ano nga yon???", sagot ni vic na may halong takot sa boses(syempre acting lang para convincing yung act). Kaso hindi napigilan ni juan victor yung pagtawa pero deretso pa din yun pagpapatugtog ko nung ringtone. Eh ang potek, kita pala ni gomark yung ilaw ng cellphone. “cellphone mo bay un vic???” sabi ni gomark. Nako! Mukhang buking kami ah. After nun, nagpakita na kami. Tapos sabay takbo pababa ng first floor.
Thursday, June 18, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment